Wednesday, February 25, 2009

kabataan,saan ka patungo?

is that true na ang kabataan ang pag-asa ng bayan?!
may pag-asa pa ba sa panahon natin ngayon?
o karamihan sa atin ay nawawalan na ng pag-asa?
isa ako sa mga kabataan na pilit binabago ang takbo ng buhay ko..
marahil nga'y iba ako sa karamihang kabataan..
maraming mga kabataan ngayon ehh..pariwara
kahit saan ako dalhin ng aking mga paa marami akong nakikitang rebeldeng kabataan.
at karamihan sa kanila ay mga kaibigan ko pa.,mga dating schoolmates ko
kapag tinatanong ko sila kung bakit sila nagrerebelde,ang sagot nila sa akin
"dahil sa hirap ng buhay"
madalas na sinisisi ang kanilang mga magulang...dahil nga sa marami silang magkakapatid,di na sila mapag-aral..
di ko rin naman masisi ang kaibigan ko kung bakit siya naging ganun..
pero solusyon nga ba ang pagrerebelde sa problema?
para sa akin hindi..
pero sabi nila uo daw.
lahat naman tayo nakakaranas ng kahirapan sa buhay..lahat tayo may mga suliranin.. pero hindi solusyon sa problema ang isa pang problema..

naalala ko nga pala.,nung umuwi ako sa mindoro sa san jose masaya naman ang bakasyon ko kasi nakasama ko ulit ang mama ko..
pero syempre nagulat din ako sa mga nabalitaan ko about sa mga kaibigan ko...
almost 3 years akong di nakauwi sa mindoro tapos nung umuwi ako ang dami ng nangyari.
una kong pinuntahan ang aroma beach...yun ang tambayan ko kapag umuuwi ako sa san jose..
di ko agad napuntahan ang mga kaibigan ko dahil nagkaroon kami ng gatherings sa CHURCH namin kaya sa seacost muna ako pumunta..kasi dun ang venue.
after ng gatherings agad kong pinuntahan ang mga kaibigan ko na matagal ko nang di nakikita.
masaya ako nung makita ko sila..chikahan kami about sa mga buhay-buhay..
ang kaibigan kong si bad-boy ang una kong kinumusta..
ayun addict parin at walang trabaho..wala nang ginawa kundi ang mag-yossi..tapos lasing pa..
sabi ko sa kanya magbago na siya..
sabi niya saken,ganun lang daw talaga siya..kapag walang trabaho tatambay sa tabing aplaya at uminom kasama ang barkada..
kapag naman maganda ang panahon.nangingisda sila..kaya lang ang napagbentahan sa mizrach din napupunta..
ang mizrach kasi ang isa sa kilalang video-oke bar,restaurant at hotel sa san jose..dun yun sa bubog quezon...
sabi ko sa kanya sinasayang niya lang ang pera niya sa wala..
sabi niya hayaan na lang daw siya..
19 pa lang si bad-boy pero mukha na siyang 26-28..siguro dahil sa mga bisyo niya..
ilang beses na rin nakulong yun dahil sa pagnanakaw ng gamit ng kapit-bahay.. at dinadala pa siya sa brgy.kay kapitan acla.. ilang beses na nabarangay yun..
haaytz..
ang sabi niya saken wala naman naibibigay ang magulang niya sa kanya kaya niya ginagawa yun..pero pipilitin niya daw mag-bago.

tumambay ako sa munting tindahan ng tita ko..nandun ang mga anak niya na kababata ko rin at may mga pamilya na rin..yung isa nabuntis ng bf at ayaw panagutan..di ko na rin siya tinanong pa tungkol sa ama ng anak niya..inisip ko na lang nagmahal lang siya, yun nga lang sa maling lalaki..
marahil ngay ganyan ang kanilang kapalaran..pero kung ginawa nila ang nararapat siguro hindi ganun ang takbo ng buhay nila na may mga pamilya na gayon sila'y mga bata pa sa gulang.
at sa pagdating ng dapit hapon,naglakad-lakad ako sa tabing aplaya..nag-iisip..
pinapanuod ang mga batang naglalaro at lumalangoy..
at nakita ko ang kaibigan kong si siopao..tumigil na siya sa pag-aaral para mangisda at makatulong sa pamilya niya..
bata pa si siopao pero pangingisda ang hanap-buhay niya..sa halip na nasa eskwelahan siya ayun at laging nasa laot..
malungkot ako..di lang para sa kanila ang kalungkutan ko kundi maging sa aking kapatid na babae..pinipilit ko siyang mag-aral pero ayaw niya..wala siyang ibig gawin kundi ang gumuhit ng isang magandang babae..haaytzz ewan ko ba?!
mag-kaiba nga talaga kami ng kapatid ko..pero umaasa ako na di siya tutulad sa iba.. ;c

tapos yung mga kaibigan at classmate ko nung elementary nakita ko din dun..may mga anak na tapos yung iba buntis pa..ang mga asawa nila mangingisda..at kapag masama ang panahon tambay din..minsan nga kahit ok ang panahon konti lang ang huling isda..
siguro sa dami ng nangingisda kaya konti na lang ang nahuhuling isda. :p
at yung kaibigan at classmate ko din nung elementary na si tolits,3 na ang anak..
sabi niya sa akin wala daw kasi magawa ehh..:p tsaka di na siya nakakaextra na mag-konduktor sa babyshiela bus..
sabi nila saken bakit di pa daw ako nakikipag-bf matanda na daw ako...
ngumiti lang ako..bata pa naman ako..20 pa lang naman ako..tsaka mag-aaral pa ako..

umaasa ako na sana ang ibang kabataan ay magkaroon ng adhikaing nararapat..
kahit na bagsak ang ating ekonomiya sana wag nang palalain pa..at wag gumaya sa mga nabanggit kong mga kababata ko sa bubog..ilan lamang sila..

ang dami kong nakita na mga skulmate ko,kakilala,na may mga pamilya na at nahihirapan sa buhay.
ang iba pa nga mga pinsan ko..marahil ay ganun ang buhay..
ngunit ganito ba talaga dapat ang buhay ng isang tao?maghirap para maramdaman mo ang sinasabing buhay?---ewan ko ba!alam ko tao ang gumagawa ng sarili niyang bukas at kapalaran.
mababago kung naisin..
yung pinsan ko na seaman yung may-ari ng aja,sabi niya saken baka matulad din ako sa iba..di ko alam..pero pilitin kong hindi..kahit na isa lang ako sa mga kabataan na may ganitong pananaw alam ko kahit sa maliit na paraan may magagawa din ako para sa bayan ni juan..
inaamin ko natatakot ako minsan na makihamok sa buhay..pero pinipilit ko dahil gusto kong maiba ang takbo ng buhay ko..at naniniwala ako na sa tulong ng DIOS magagawa ko.
kaya lang nalulungkot akong isipin na kung ano ang magiging bukas ng mga batang sa ngayon ay wala pang muwang?
hindi ko man nakikita ang kanilang bukas aasahan ko parin na ang pag-asa nitong bayan ay nasa kamay ng kabataan..

at sa aking paglalakad sa dalampasigan,di ko namalayan na malapit nang dumilim at malapit na ako sa airport..naglakad ako patungo sa aming munting dampang tahanan..
at ipinaghanda ako ng aking ina ng makakain..napakabuti ng aking ina sa lahat ng pagkakataon..and very proud ako sa kanya..
mahimbing akong nakatulog ng gabing iyon..
at sa araw ng kinabukasan,nagising ako sa ingay ng eroplano..kasi mejo malapit lang din kami sa airport..masaya kong hinarap ang bagong umaga ng aking buhay..
at alam ko marami pang darating at darating pa sa buhay ko..
maging ano man yun kakayanin ko..



1 comment: